گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

Speaker Romualdez, Itinanggi na Tumanggap siya ng Suhol mula Sa DPWH Project

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-09-08 16:44:23 Speaker Romualdez, Itinanggi na Tumanggap siya ng Suhol mula Sa DPWH Project

Mariing itinanggi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga alegasyong ginagamit ang kanyang pangalan para sa umano’y komisyon, kasunod ng naging pagdinig sa Senado.


Ayon sa kanyang pahayag, walang katotohanan at malinaw na paninira ang nakasaad sa affidavit ng Discaya couple. Binigyang-diin niya na tungkulin lamang ng Kongreso ang pagtalakay at pag-apruba ng pambansang budget, habang ang paglalabas ng pondo at pagpapatupad ng mga proyekto ay nasa kamay ng Executive branch at mga ahensya gaya ng DPWH.


Nilinaw ni Romualdez na kung may sinumang gumamit ng kanyang pangalan para kumita, ginawa ito nang walang kanyang pahintulot o basbas, at sila ang dapat managot.


Idiniin din ng Speaker na hindi siya kailanman tumanggap ng suhol at hindi niya kailanman pahihintulutang madungisan ng korapsyon ang kanyang pangalan. Binanggit niya na ang tiwala ng taumbayan at kanyang kasamahan sa Kongreso ang kanyang pinapangalagaan, at hindi siya kailanman hihingi o tatanggap ng perang hindi sa kanya.


Binigyang-diin ni Romualdez na hindi dapat hayaang sirain ng maling paratang ang integridad ng Kongreso. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, tiniyak niyang lilinisin ang sistema, papanagutin ang mga abusado, at poprotektahan ang pera ng bayan.