گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

Suspek sa Charlie Kirk slay tikom pa rin ang bibig

مارگرت دایان فرمینIpinost noong 2025-09-15 07:36:05 Suspek sa Charlie Kirk slay tikom pa rin ang bibig

SALT LAKE CITY — Kinumpirma ni Utah Governor Spencer Cox na tumatangging makipagtulungan sa mga imbestigador ang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng konserbatibong aktibista na si Charlie Kirk. Ayon kay Cox, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang suspek na si Tyler Robinson, 22 taong gulang, na kasalukuyang nasa kustodiya habang inaasahang sasampahan ng pormal na kaso sa Martes.

“He has not confessed to authorities. He is not cooperating,” pahayag ni Cox sa panayam ng This Week ng ABC News. “But all the people around him are cooperating. And I think that's very important.”

Naganap ang insidente noong Miyerkules sa isang campus event sa Utah Valley University. Bagama’t hindi pa malinaw ang motibo, sinabi ni Cox na batay sa mga salaysay ng pamilya at mga kaibigan, si Robinson ay umano’y “deeply indoctrinated with leftist ideology.”

Ayon pa sa gobernador, ang kasintahan ni Robinson — na inilarawang isang transgender woman — ay “very cooperative” at “shocked” sa nangyari. Kinumpirma rin ng mga pederal na opisyal na ginamit ni Robinson ang kanyang karapatang manahimik sa ilalim ng Fifth Amendment.

Patuloy ang pagsusuri ng mga awtoridad sa digital evidence at mga ebidensyang pisikal, kabilang ang mga shell casing na may nakasulat umanong mensahe laban sa fascism at mga sanggunian sa video games. Tinawag ni Cox ang insidente bilang “an attack on the American experiment” at nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng tumitinding tensyon sa politika.

Inaasahan ang karagdagang detalye sa mga susunod na araw matapos ang pagsasampa ng kaso.