گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

‘Mas pinahirapan ang mahihirap’ — Pokwang, naglabas ng matinding pahayag laban sa mga pulitiko

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-18 01:05:21 ‘Mas pinahirapan ang mahihirap’ — Pokwang, naglabas ng matinding pahayag laban sa mga pulitiko

MANILA Nagpaulan ng matinding pahayag ang kilalang komedyante at aktres na si Pokwang laban sa mga pulitikong, aniya, sa halip na magserbisyo ay mas lalo pang nagpapabigat sa sitwasyon ng mga ordinaryong mamamayan.

Noong Setyembre 17 (Miyerkules), ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account ang kanyang saloobin hinggil sa mga politiko na tuwing kampanya ay ginagamit ang kanilang kwento ng kahirapan upang makahikayat ng boto. Subalit matapos mahalal, dagdag niya, tila nakalimutan na ang masa at mas napapahirapan pa ang mga ito.

Ayon kay Pokwang, “Noong nangangampanya, laging bukang bibig nila, ‘Nagmula rin ako sa hirap kaya nauunawaan ko kayo,’ tapos nang mahalal ayun, mas pinahirapan ang mahihirap habang sila busog na busog sa pinaghirapan ng mahihirap. Nakaka-put#%ng ¥n@!”

Agad na umani ng libo-libong reaksiyon ang kanyang post, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng pagsang-ayon at suporta. Kilala si Pokwang bilang isang personalidad sa showbiz na hindi natatakot maghayag ng opinyon sa mga isyung panlipunan at politikal.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya laban sa katiwalian sa pamahalaan. Nitong mga nakaraang linggo, nagbigay rin siya ng komento kaugnay ng isyu ng korapsyon matapos niyang sang-ayunan ang posisyon ni Direk Lino Cayetano laban sa mga pahayag ni Sen. Alan Cayetano.

Para kay Pokwang, hindi dapat gawing “normal” ang korapsyon at obligasyon ng bawat mamamayan, artista man o hindi, na manindigan para sa tama. Sa kanyang matapang na paninindigan, muling ipinakita ng komedyante na bukod sa pagpapatawa, isa rin siyang boses ng masa na may malasakit sa kinabukasan ng bansa. (Larawan: Pokwang / Instagram)