Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Nike factory, malapit nang magbukas sa Lucena City

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-23 23:10:32 Tingnan: Nike factory, malapit nang magbukas sa Lucena City

LUCENA CITY Magandang balita para sa mga sneakerheads at sports enthusiasts sa Quezon Province! Malapit nang magbukas ang pinakabagong Nike Factory Store sa Lucena City, na inaasahang magiging isa sa mga bagong shopping hotspots sa rehiyon.

Matatagpuan ang tindahan sa Barangay Bocohan, malapit sa Iñigos Sports Center, sa kahabaan ng Diversion Road patungo sa dulo ng Eco-Tourism Road. Dahil dito, hindi na kailangang bumiyahe pa papuntang Laguna o Metro Manila ang mga taga-Lucena at kalapit-bayan para makabili ng kanilang paboritong Nike shoes, apparel, at accessories.

Bukod sa mas pinadaling access sa mga quality sportswear at lifestyle items, inaasahan ding magdadala ang bagong Nike store ng bagong oportunidad sa trabaho para sa mga lokal na residente, gayundin ng karagdagang daloy ng ekonomiya sa lungsod.

Maraming Lucenahin ang sabik nang makita ang eksaktong petsa ng pagbubukas ng tindahan. Ayon sa ilang residente, malaking hakbang ito para sa pagpapasigla ng retail at business landscape sa lungsod.

Tiyak na magiging patok ang bagong Nike Factory Store Lucena, lalo na sa mga mahilig sa sports, fitness, at fashion. Just do it, Lucena! (Larawan: Doobs TV / Facebook)