گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

‘Don’t steal our future!’ — Ex-PBA star Doug Kramer, naglabas ng pahayag patungkol sa korupsyon

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-21 23:39:54 ‘Don’t steal our future!’ — Ex-PBA star Doug Kramer, naglabas ng pahayag patungkol sa korupsyon

MANILA — Dating PBA player at ngayon ay kilalang family man na si Doug Kramer ang pinakabagong personalidad na nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa patuloy na korapsyon sa bansa. Noong Linggo, Setyembre 21, nag-post si Doug ng isang larawan kasama ang kanyang pamilya na agad naging usap-usapan sa social media.

Sa larawan, hawak ng pamilya Kramer ang isang placard na may nakasulat: “Don’t steal our future!” — isang simpleng mensahe na tumutulak sa mas malalim na usapin ng katiwalian. Sa kanyang caption, ipinahayag ni Doug ang kanyang saloobin bilang ama at bilang mamamayan.

"As a father, I look at my children, and I see the future I want to protect. As a citizen of this country, I know their future is being stolen," ani Doug.

Pinaliwanag din niya kung paanong ang nakaw na pondo ng bayan ay direktang tumatama sa ordinaryong Pilipino: “When taxpayer money vanishes into the pockets of the corrupt, it's not a mere statistic — it's a home that's swept away by floods, it's a classroom that a child won't learn in, a road or bridge that a family will not safely drive on, and opportunities that are taken away from their generation.”

Giit ni Doug, ang laban kontra korapsyon ay hindi lang isyung politikal kundi usaping moral na sumasalamin sa kaluluwa at kinabukasan ng bansa. “This is more than a political issue; this is about our country's soul and the legacy we will leave behind. If we allow this cycle of no accountability and no justice to continue, our children and their children will inherit a broken system.”

Hinimok din niya ang mga Pilipino na maging mas mapanuri at aktibong lumahok sa laban para sa pagbabago. “We need to demand change from our leaders, and we need to choose them wisely. Let's not just talk about fighting corruption; let's act on it.”

Sa pagtatapos ng kanyang post, iniwan ni Doug ang isang matapang na paalala: “Our country deserves better.”

Ang pahayag na ito ay mabilis na kumalat online at umani ng suporta mula sa mga netizens na kapwa nananawagan ng pananagutan at mas maayos na pamamahala sa bansa. (Larawan: Team Kramer / Fb)