گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

Pampasaherong bus at delivery truck ng JNT Express, nagsalpukan sa Sariaya, Quezon

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-03 23:26:56 Pampasaherong bus at delivery truck ng JNT Express, nagsalpukan sa Sariaya, Quezon

SARIAYA, QUEZON Nagsimula ang umaga ng Huwebes sa trahedya matapos magsalpukan ang isang pampasaherong bus at isang delivery truck ng JNT Express sa kahabaan ng highway sa Brgy. Santo Cristo.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, nawalan ng kontrol ang driver ng delivery truck habang binabagtas ang madulas na bahagi ng kalsada. Dahil dito, tumawid umano ito sa kabilang linya at sumalpok nang direkta sa kasalubong na pampasaherong bus na puno ng mga pasahero.

Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng truck habang nagtamo ng sugat at pinsala ang driver nito. Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Sariaya Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at mga barangay tanod upang saklolohan ang mga nasangkot.

Samantala, nakaligtas naman sa mas malalang kapahamakan ang mga pasahero ng bus. Gayunman, ilang saksi ang nag-ulat na labis na nag-panic ang mga sakay matapos maramdaman ang matinding pagyanig sa collision.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng aksidente. Posibleng maharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property kapag lumabas ang kumpletong ulat.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa lahat ng motorista na maging mas maingat lalo na ngayong panahon ng pabago-bagong panahon kung saan madalas ang madulas na kalsada. (Larawan: Quezon Province News and Updates / Facebook)