گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

2.5 bilyong Gmail accounts posibleng naapektuhan sa cyber attack

جرالد اریکا سورینوIpinost noong 2025-08-30 06:24:51 2.5 bilyong Gmail accounts posibleng naapektuhan sa cyber attack

Agosto 30, 2025 - Kinumpirma ng Google na tinatayang nasa 2.5 bilyong Gmail account ang maaaring nakompromiso matapos ang isang malawakang cyber attack na isinagawa ng kilalang hacking group na ShinyHunters.


Ayon sa ulat, target ng grupo ang Salesforce database ng kumpanya, kung saan nakakuha sila ng ilang pangunahing detalye ng mga gumagamit. Kabilang dito ang pangalan ng negosyo at contact information na maaaring gamitin sa phishing, vishing, at iba pang online scams.


Bagama’t tiniyak ng Google na walang passwords na nakalap mula sa insidente, nagbabala pa rin ang kumpanya na maaaring magsilbing daan ang naturang impormasyon upang malinlang ang mga user.


Kasabay nito, nanawagan ang Google sa publiko—lalo na sa mga Pilipinong gumagamit ng Gmail—na magsagawa ng karagdagang pag-iingat tulad ng:


Pagpapalit ng password sa lalong madaling panahon

Pag-activate ng two-factor authentication (2FA) para sa dagdag na seguridad


Pagiging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang email, tawag, o mensahe na maaaring subukang kumuha ng sensitibong impormasyon


Nagpahayag din ang kumpanya na patuloy nilang iniimbestigahan ang lawak ng pinsala at nakikipagtulungan sila sa mga kaukulang awtoridad upang mapigilan ang mas malawak pang epekto ng cyber attack.