گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

British Prime Minister Keir Starmer, kinondena ang Israeli strike sa Qatar

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-10 01:20:00 British Prime Minister Keir Starmer, kinondena ang Israeli strike sa Qatar

LONDON — Mariing kinondena ni Keir Starmer, British Prime Minister, ang pag-atake ng Israel sa Doha, kabisera ng Qatar, noong Setyembre 9. Ayon sa ulat, isinagawa ng Israel ang isang precise strike laban sa mga lider ng Hamas, na tinitingnan bilang responsable sa nakaraang karahasan sa Israel.

Sa kanyang pahayag sa social media, sinabi ni Starmer: “I condemn Israel’s strikes on Doha, which violate Qatar’s sovereignty and risk further escalation across the region. The priority must be an immediate ceasefire, the release of hostages, and a huge surge in aid into Gaza. This is the only solution towards long-lasting peace.”

Mariing kinondena rin ng Qatar ang insidente. Ayon kay Dr. Majed Al Ansari ng Qatar Foreign Ministry, tumama ang pag-atake sa isang residential premises kung saan naninirahan ang ilang miyembro ng Hamas political bureau. Tinukoy niya ito bilang “blatant violation” ng international law. Dagdag pa niya, “The State of Qatar strongly condemns this attack, and affirms that it will not tolerate this reckless Israeli behaviour.”

Sumuporta rin ang UAE, sa pahayag ni Dr. Anwar Gargash: “The security of the Arab Gulf states is indivisible, and we stand heart and soul with the sisterly State of Qatar, condemning the treacherous Israeli attack.”

Sa kabilang banda, iginiit ng Israel Defense Forces (IDF) at Israeli Security Agency na ang pag-atake ay nakatuon sa senior leadership ng Hamas at ginawa ang lahat ng hakbang upang mabawasan ang pinsala sa sibilyan. May ulat ng sunog at usok sa Katara District, at ilang residente ang nakarinig ng malalakas na pagsabog.

Ang insidente ay nagdulot ng pangamba sa rehiyon at muling nagpapaalala ng tensyon sa Gitnang Silangan, habang nananatiling hindi malinaw kung inabisuhan ba ang Qatar bago isinagawa ang strike. (Larawan: Wikipedia / Google)