گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

'HUWAG KANG TITINGIN': Bagong horror, pagbibidahan ng ex-PBB housemates

مارگرت دایان فرمینIpinost noong 2025-08-29 09:03:28 'HUWAG KANG TITINGIN': Bagong horror, pagbibidahan ng ex-PBB housemates

MAYNILA — Magsasanib-puwersa ang GMA Pictures at Mentorque Productions Inc. para sa bagong horror film na “Huwag Kang Titingin,” tampok ang ilang dating celebrity housemates mula sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.

Sa ginanap na story conference nitong Huwebes, kinumpirma na kabilang sa cast ng pelikula sina Shuvee Etrata, Charlie Fleming, Michael Sager, at Josh Ford. Kasama rin sa proyekto ang mga Sparkle Gen Z artists na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Sean Lucas, Anthony Constantino, Sherilyn Reyes, at Kapamilya actress Kira Balinger.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Frasco Mortiz, ang “Huwag Kang Titingin” ay isang modernong horror film na “weaponizes Filipinos' modern obsession with viral internet challenges and mashes it with deep-rooted folkloric fear”. Layunin ng pelikula na pagsamahin ang takot mula sa mga kuwentong bayan at ang kabataan sa digital age.

Sa panayam ng GMA News, ibinahagi ni Sofia Pablo ang kanyang excitement sa proyekto: “Syempre po nakakakaba. Una, sana hindi kami multuhin and exciting kasi I'm a big fan of horror movies.” Dagdag naman ni Allen Ansay, “Sobrang excited ako kasi first movie ko talaga 'to and talagang medyo mabigat talaga 'yung character. Parehas pa naman kami ni Sofia, ako kasi matatakutin, siya magugulatin, so tingnan natin dito. Mukhang magiging totoo 'yung mga reactions namin”.

Ang pelikula ay unang collaboration ng GMA Pictures at Mentorque Productions Inc., na kilala sa mga award-winning films tulad ng Mallari, Kono Basho, at Uninvited. Sa isinagawang contract signing, sinabi ni GMA Network SVP Atty. Annette Gozon-Valdes, “We have a great story, an exciting cast, and a very strong partner in Mentorque. I think that it's our honor to be a partner of Mentor. This is our first venture together”.

Samantala, ibinahagi rin ni Mentorque CEO John Bryan Diamante ang kanyang pasasalamat: “To work with isa sa pinakamalaki sa industriya ng entertainment dito sa 'ting bansa, to extend their arm sa mga baguhan kagaya namin, so napakalaking event nito para sa 'min”.

Ang “Huwag Kang Titingin” ay nakatakdang simulan ang filming sa unang linggo ng Setyembre at inaasahang ipalalabas sa mga sinehan sa mga susunod na buwan. Isa itong bagong yugto para sa mga ex-PBB housemates na muling magpaparamdam—ng kilabot—sa big screen.

Larawan mula sa GMA