Diskurso PH
Translate the website into your language:

LTO CALABARZON, mas pinaigting ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-20 20:03:54 LTO CALABARZON, mas pinaigting ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan

OKTUBRE 20, 2025 Mas pinalalakas pa ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON ang kanilang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa transportasyon.

Kamakailan, tatlong van ang nahuli ng mga awtoridad sa Lipa City matapos na mahuling ilegal na nagsasakay ng mga pasahero kahit walang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa mga pasahero, P90 umano ang singil ng mga van mula Lipa hanggang Calamba City. Inamin din ng mga driver na ginagamit nila ang kanilang private vehicles bilang “for hire”, isang malinaw na paglabag sa Public Service Act at iba pang transportation regulations.

Binigyang-diin naman ni LTO Regional Director Elmer Decena na hindi titigil ang kanilang tanggapan sa pagpapatupad ng batas at hindi nila papayagan ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga colorum na sasakyan sa rehiyon.

“Patuloy kaming magpapatrolya at magsasagawa ng mga operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maalis ang mga iligal na biyahe,” ani Decena. (Larawan: LTO CALABARZON / Facebook)