گفتمان PH
وب سایت را به زبان خود ترجمه کنید:

Pastor sa California, patay matapos barilin sa loob ng kanyang tahanan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-16 01:28:19 Pastor sa California, patay matapos barilin sa loob ng kanyang tahanan

CALIFORNIA — Nauwi sa trahedya ang isang tahimik na hapon nang barilin at mapatay ang lokal na pastor na si Felipe Ascencio sa loob mismo ng kanilang tahanan nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Sheriff matapos makatanggap ng ulat ng pamamaril. Sa kanilang pagdating, natagpuan nilang wala nang buhay si Pastor Ascencio.

Sa ulat ng pamilya at ng kanilang komunidad, inalala ang biktima bilang isang mapagmahal na asawa, ama, at lingkod ng simbahan, na nag-iwan ng kanyang kabiyak at dalawang anak, pati na rin ng isang pamana ng pananampalataya at malasakit sa kapwa.

Samantala, kinumpirma ng pulisya na naaresto nila ang 22-anyos na suspek na si Joel Martin Dukes III na haharap sa kasong murder. Hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo sa krimen, ngunit patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin ang buong detalye.

Samantala, nagdadalamhati ang buong komunidad at simbahan na kanyang pinamunuan. Maraming miyembro ang nagpaabot ng panalangin at pakikiramay sa pamilyang naulila.

Ang biglaang pagkawala ni Pastor Ascencio ay nag-iiwan ng malaking puwang hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi pati sa mga taong kanyang pinaglingkuran at tinulungan sa pamamagitan ng pananampalataya. (Larawan: Christian Post / Google)