Diskurso PH
Translate the website into your language:

Doktor, 7 taon sa kulungan sa Amerika dahil sa health care fraud, kickbacks

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-27 07:35:55 Doktor, 7 taon sa kulungan sa Amerika dahil sa health care fraud, kickbacks

NEWARK, NEW JERSEY — Sinentensyahan ng pitong taong pagkakakulong si Dr. Alexander Baldonado, isang Filipino-Canadian at green card holder, matapos mapatunayang guilty sa kasong health care fraud at pagtanggap ng kickbacks sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat, si Baldonado ay nahatulang guilty noong Pebrero 10, 2025, sa mga kasong conspiracy to commit health care fraud, health care fraud, conspiracy to defraud the United States, at pag-aalok, pagbabayad, at pagtanggap ng kickbacks kaugnay ng laboratory testing at durable medical equipment reimbursements.

Ang hatol ay ibinaba ni U.S. District Judge Susan Wigenton ng District of New Jersey. Ayon sa mga dokumento ng korte, si Baldonado ay sangkot sa isang malawakang fraudulent scheme na umabot sa $24 milyon na halaga ng pekeng claims sa Medicare. 

Kabilang sa mga modus operandi ang pagsumite ng mga pekeng laboratory test at pagkuha ng kickbacks mula sa mga kompanyang nagbibigay ng medical equipment.

Bukod sa pagkakakulong, maaaring harapin pa ni Baldonado ang karagdagang parusa gaya ng pagbabayad ng restitution at posibleng deportation bilang isang non-U.S. citizen.

Ang kasong ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng U.S. Department of Justice laban sa mga health care fraud schemes na nagpapahina sa integridad ng kanilang sistema ng kalusugan.